BONG go

Bong Go sa PNPA graduates: Maging tapat sa serbisyo sa bayan

April 24, 2022 People's Journal 104 views

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kadete na nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) na manatiling nakatuon sa pagprotekta sa mamamayang Pilipino at pagsisilbi sa bansa bilang mga bagong miyembro ng pulisya.

Noong Huwebes, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 43rd Commencement Exercises ng PNPA para sa Bachelor of Science in Public Safety “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite.

Ang Alab-Kalis o “Alagad ng Batas na Kakalinga sa Sinilangang Bayan”, ay may 229 graduating cadets.

Sa mga nagtapos, 206 ang papasok sa Philippine National Police (PNP), 12 ang magsisilbi sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at 11 ang papasok sa Bureau of Fire Protection (BFP).

“Para sa mga nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa PNPA, congratulations po sa inyong lahat. Malaki po ang tiwala namin sa inyo ni Pangulong (Rodrigo) Duterte that you’ll be able to serve and protect our fellow Filipinos. Inaasahan namin na tapat ninyong mapaglilingkuran ang bahay,” ani Go.

“Alam ko pong mahirap ang inyong pinagdaanan para makarating kayo dito kaya naman continue to inspire and influence other youths who are also taking up the same paths,” dagdag niya.

Samantala, bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa PNPA graduation rites, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga bagong magsisipagtapos na maglingkod nang maayos sa bansa.

“Isa lang ang gusto kong hindi mo makalimutan, you took your oath of office at sabihin ko sa inyo, legal… whatever be administrative or otherwise, in the course of your duty, I would like to express to you now na — ‘yung tama lang. Huwag lumabas sa iyong mga legal na parameter. Iyong tama lang na trabaho ng pulis… alam niyo ang inyong obligasyon sa taumbayan,” giit ni Duterte.

Hinimok din ni Go ang mga nagsipagtapos na gampanan ang tungkulin nila sa pagbuo ng bansa, tiyakin ang kapayapaan at kaayusan ng bansa, at ipagpatuloy ang Duterte Legacy na pagtataguyod ng mas komportableng buhay para sa lahat ng Pilipino.

“Ngayon po kayo ay mga ganap na public servants, stay committed and determined to pursue the Duterte Legacy to ensure that no Filipino is left behind,” hikayat ni Go.

“Alam naman po natin ang tapang at tatag ng ating mahal na Pangulo. Ipagpatuloy lang natin ang parehas na serbisyo sa ating mamamayan,” patuloy niya.

Sa pagsisimula ng administrasyong Duterte, naging instrumento si Go sa pagsusulong ng pagtaas ng suweldo ng mga unipormadong tauhan gaya ng ipinangako ni Pangulong Duterte. Noong Enero 2018, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Joint Resolution No.

Bilang pagkilala sa papel na ginagampanan nila sa pagpapanatili ng pambansang seguridad at kapayapaan, dinoble ng Pangulo ang base pay ng isang Police Officer I sa PNP, Private sa Armed

Fores of the Philippines, at ang kanilang katumbas na ranggo sa BJMP, BFP, Philippine Public Safety College, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

“Alam niyo from the very start po ng administrasyon ni Pangulong Duterte, kahit noong kampanya pa niya, naintindihan namin talaga ‘yung trabaho ng pulis, ng bumbero at ng ating mga jail officers. At isa sa mga ipinagmamalaki namin na hindi po pinagsisihan ay ang ipinaglaban ‘yung pagdodoble po ng sahod ng pulis,” Go previously shared.

“Noong umupo siya noong 2016, naisakatuparan po noong 2018. Ako po ‘yung isa sa inutusan niya at tumulong sa desisyon na ‘yon na idoble po ang sahod ng ating mga pulis para magsipag sila at umiwas po sa kolokohan,” the lawmaker cited .

“Alam po namin ni Pangulong Duterte ang hirap ng inyong trabaho, kaya noon pa ay inuna na naming isinulong ang pagtaas ng sweldo. Sa pangkalahatan, ang pagsasaayos ng suweldo ay nagresulta sa 58% average na pagtaas para sa lahat ng mga unipormadong tauhan,” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE