bong Bumisita si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Laurel, Batangas upang personal na magbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng mga napipintong pagsabog ng Taal Volcano. Kuha ni JOJO MAGSOMBOL

Bong Go: Gusot sa PDP-Laban dapat plantsahin

July 14, 2021 Gil Aman 371 views

NAMAMAGITANG gusot at bangayan sa hanay ng PDP-Laban dapat munang pagtuunang ayusin.

Ito ang tugon ni Senator Christopher Lawrence Bong Go ng magtungo sa Laurel, Batangas sa kanyang pamamahagi ng ayuda apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Namahagi si Gi ng tulong pinansiyal, gamot, mga bitamina, facemask, face shield kabilang ang iba pa sa mga residente katuwang ang mga lokal na opisyal at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa panayam, sinabi ni Go na sana ay maituwid na ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang paksiyon sa PDP-Laban.

“Papunta na po tayo sa eleksiyon, filing ng candidacy, hopefully maisaayos at maresolba na ito ngayong darating na Sabado sa National Assembly at ayaw naming mangyari na magtatampo ang mga miyembro ng PDP-Laban. Sasamahan ko sa pagdalo si Pangulong Duterte at sana maayos na ang gusot lalo pa ngayon nasa gitna tayo ng pandemya napakahirap pag-usapan ang politika ngayon,” ani Go.

“Sana po huwag ng tumuloy ang pagputok ng bulkan, pag nagtutulungan at nagbabayanihan malalampasan din po natin ito, dagdag ng senador.

AUTHOR PROFILE