Faye Larawan mula sa IG/Faye Lorenzo

Bombshell

June 14, 2024 People's Tonight 258 views

KAHIT na dumungaw lang ang gawin ng Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo sa mga larawan, lantad na lantad pa rin ang pagiging bombshell niya.

Hindi nga maikukubli ng former ‘Bubble Gang’ cast ang kanyang kaseksihan sa ilang larawang ibinahagi niya sa Instagram.

“I couldn’t pick just one photo to post today,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Makikita sa post ang mapang-akit na sex appeal ni Faye. Sa isang larawan ay masisipat ang maganda niyang ngiti. Napangiti rin ang mga nasa opposite sex dahil panty lang ang suot niya.

Agad na pinagpantasyahan ng mga barako ang tanawing ibinahagi ni Faye. Pangarap nilang hawiin ang kurtinang tumatakip sa kanya para overload ang maihain ng aktres sa kanila.

Dumungaw rin sa larawan ang makinis niyang legs at perpekto niyang na nakadagdag sa linamanam ng patakam nito.

Sumabog ang comment section ng nasabing post, hindi mapakalma ang mga kalahi ni Adan sa pagbabandera ng rapsang katawan ni Faye.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar