Bomb threat sa Binondo inaksyunan agad ng MPD

December 5, 2022 Jonjon Reyes 482 views

ILANG oras na nagdulot ng takot at pangamba sa publiko at mga empleyado matapos may naiwang bag na hinihinalang may lamang bomba sa tabi ng isang bangko Lunes ng hapon sa Binondo,Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), iniwan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nag-iwan ng gray na backpack at isang brown envelop sa tabi ng ATM machine sa isang sangay ng PNB na matatagpuan sa kahabaan ng San Fernando St., Kanto ng Elcano St , Binondo.

Ang suspek ay nakasuot ng puting shirt, itim na tube mask, sumbrero at maong pants’

Nadiskubre ang bag pasado 2 p.m. Agad namang rumesponde ang Explosive Ordnance ng MPD upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Bandang alas 4:13 p.m. nang ideklarang ligtas ang lugar at negatibo sa anumang pampasabog ang laman ng bag.

AUTHOR PROFILE