Bokalista ng Aegis pumanaw na
PUMANAW na ang mahusay na singer at lead vocalist ng rock band na Aegis, si Mercy Sunot.
Kamakailan ay nag-post si Mercy sa Tiktok na humihingi ng dasal para tanggalin ang tubig sa baga niya na nagkaroon ng inflammation.
Ang kasunod nito ay ang balita sa social media na pumanaw na nga siya.
Naglabas din ang Aegis Band ng statement sa pagpanaw ni Mercy sa kanilang Facebook page.
Cancer ang dahilan ng pagpanaw ng kanilang bokalista.
Maraming big hits ang Aegis gaya ng “Halik” at iba pa na gumawa rin ng malaking pangalan sa mundo ng musika.
Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Mercy….
DINAGSA NG FANS
ABOT-TENGA ang ngiti ng SB19 member na si Stell dahil nagkaroon ng katuparan ang collab nila ng National Artist na si Ryan Cayabyab.
Ipinarinig ni Stell ang komposisyon ni Mr. C na “‘Di Ko Masabi” sa Pinoy Playlist Music Festival sa BGC kamakailan.
Sa kuwento ng kaibigang si Allan D na nanood ng music festival, si Stell ang finale sa second night ng festival sa additional venue this year sa 5th Avenue sa BGC.
Siyempre, dumagsa ang A’tin at ang sariling fans ni Stell na Stellberries.
Super happy si Stell kasi nandu’n si Maestro Ryan Cayabyab bilang isa sa curators ng PPMF. At si Mr. C ang nag-accompany kay Stell sa keyboards nang kantahin niya ang “‘Di Ko Masabi” na si Mr. C mismo ang sumulat paras a solo EP ng SB19 member.
First time kantahin ni Stell ang komposisyon ni Mr. C.
Napahanga ni Stell ang batikang composer nang marinig ang version ng una ng kantang “All By Myself” sa isang event.