
Body tea
Muling nagpakawala ng nakakapanindig-balahibong alindog si Klyza Castro sa kanyang bagong post na agad nagpabaga ng social media.
Suot ang hapit na hapit na purple bikini, walang takas ang kanyang labas-masang kilabot habang relax na relax sa poolside ng isang condo. Hindi lang tubig ang lumamig, kundi buong internet ang nag-init.
“Island life” ang kanyang simpleng caption, pero iba ang island vibes na binigay niya — more like sirenang handang mang-akit! Mula sa kutis perlas, pamatay na kurbada, at mala-diyosang aura, walang hindi mapapatingin kay Klyza.
Nagkagulo naman ang comment section! Isa ang sumigaw ng “Your honor please!” habang ang iba ay gustong ibalik siya sa pageant stage. May isa namang diretsong humirit: “HOTTIE!!!” Walang duda, hindi lang koronang pang-pageant ang swak kay Klyza, kundi pati titulong pang-pantasya.