Default Thumbnail

Bodega sa Valenzuela nasunog

August 6, 2023 Edd Reyes 276 views

SUMIKLAB ang sunog sa bodega ng appliances at grocery items Sabado ng gabi sa Valenzuela City.

Ayon a report, pasado alas-6 ng gabi nang bigla na lang makarinig ng pagsabog ang mga empleyado sa bodega sa Barangay Bagbaguin na sinundan na ng pagsiklab ng apoy kaya’t mabilis na nagsilabasan ang mga kawani.

Itinaas sa ika-apat na alarma ang sunog dakong alas-7:12 ng gabi na dahilan upang magresponde na rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga karating lugar.

Sinabi ni Fire Inspector Danielle Bayla na prinoteksiyunan kaagad nila ang bodegang kinalalagyan ng mga alak dahil highly flammable ang mga alcohol.

Nakatulong sa mga bumbero ang fire system sa bodega dahil gumana ang mga water sprinkler sa kisame ng bodega at wet standpipe para maapula ang apoy.

Naideklarang fire under control ang sunog dakong alas-8:47 at tuluyang naapula dakong 9:58 ng gabi. Wala namang iniulat na nasawi habang dalawang trabahador ang nagtamo ng bahagyang galos sa braso.

AUTHOR PROFILE