Guerrero

Bodega ng sigarilyo sa Cavite sinalakay ng BOC; 4 Chinese nationals, arestado

June 29, 2022 People's Tonight 112 views

BOC

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang apat na Chinese nationals matapos na salakayin ang isang warehouse ng sigarilyo sa Cavite, na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng mga tobacco products at iba pang cigarette-making paraphernalia na tinatayang nagkakahalaga ng P256.5 milyon.

Nabatid na ang raiding team, na binubuo ng mga personnel mula sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ay armado ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nang salakayin ang naturang bodega na matatagpuan sa Tanza-Trece Martires Road, Brgy. De Ocampo, Trece Martirez, Cavite.

Sa tulong ng National Bureau of Investigation Special Action Unit (NBI SAU), naaresto rin ng mga otoridad ang mga naturang dayuhan, na nakatakdang sampahan ng mga kasong may kaugnayan sa smuggling.

Nabatid na doble-kayod ngayon ang BOC sa pagtatrabaho kahit pa nakatakda nang mag-take over ang susunod na administrasyon, at sa gitna ng well-funded efforts para madungisan ang mga accomplishment ng kawanihan.

“We’ve always worked on the assumption that today is our last day or our last chance to curb smuggling. I am proud of our Customs agents for going above and beyond their call of duty to protect our borders and improve our anti-smuggling initiatives,” ayon kay Guerrero.

Tiniyak rin ni Guerrero na ang ginagawang smear campaign laban sa kanila ay hindi hadlang upang gampanan nila ang kanilang tungkulin.

“The smear campaign against us will not deter us from doing our work. The goal remains the same, and that’s to pursue criminals who make a mockery of our laws,” dagdag pa niya.

Samantala, iniulat naman ni MICP chief Alvin Enciso na nakadiskubre ang kanilang grupo ng mga raw materials sa paggawa ng cigarette products sa naturang operasyon.

“The cigarette-making machines there, together with the raw tobacco materials, can produce 50 to 100 cases of cigarettes per day. That’s around P5 million worth of cigarettes in daily production,” aniya.

Sinabi naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, na siyang nangasiwa sa operasyon, na kaagad na umaksiyon ang composite team matapos na makatanggap ng derogatory information at makakuha ng LOA/MO mula sa commissioner.

“Whether these cigarettes are for export or local distribution, we cannot allow their entrance into the market without ensuring that they followed safety measures and paid the proper taxes. That will create an imbalance as other cigarette companies and distributors are complying with our regulatory bodies,” paliwanag pa niya.

Kabilang sa mga raw materials sa paggawa ng sigarilyo na nadiskubre ay tobacco filler, filter paper, at paper rod, na nagkakahalaga ng P105 milyon.

Nakadiskubre rin sila ng isang filter maker, dalawang cigarette makers, at anim na packing machines na nagkakahalaga ng P75 milyon; apat na kahon ng mga tax stamps na nagkakahalaga ng P18 milyon bawat isa o kabuuang P72 milyon; a 81 master cases ng Marvels cigarettes na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa o kabuuang P4.05 milyon.

May mga nadiskubre ring finished cigarette products, gaya ng Marvels, Two Moon, Mighty, at iba pa, sa loob ng bodega.

Nabatid na ang complete inventory sa warehouse ay sinimulang isagawa ng mga Customs examiners, sa harap ng mga miyembro ng CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), barangay officials, at mga kinatawan ng warehouse.

Sa sandaling matapos ang complete inventory sa mga regulated goods, inaasahang irerekomenda nina Ramiro at CIIS Director Jeoffrey C. Tacio ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD), gayundin ang paghahain ng kaukulang kaso laban sa mga operator ng warehouse.

AUTHOR PROFILE