Asukal Sa pamamagitan ng Letter of Authority (Reference No. 08-23-168-2022) na inisyu ni Commissioner Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz, umaksiyon ang BOC MICP at AFP upang alamin kung anu-ano ang mga laman ng bodega.

Bodega ng asukal sa QC ininspeksiyon ng BOC MICP, AFP

August 27, 2022 People's Tonight 320 views

ININSPEKSYON ng isang composite team ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC)-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service-Quick Response Team ng Manila International Container Port (MICP), at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang isang sugar warehouse sa Quezon City noong Agosto 23.

Sa pamamagitan ng Letter of Authority (Reference No. 08-23-168-2022) na inisyu ni Commissioner Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz, umaksiyon ang grupo upang alamin kung anu-ano ang mga laman ng bodega.

Dito nila natuklasan ang nasa 57,000 sako ng mga imported refined sugar mula sa Thailand na tinatayang nagkakahalaga ng P285 milyon. Bawat sako ay naglalaman ng 50 kilo at tinatayang aabot sa P5,000.

Agad rin namang nagsagawa ang composite team at customs examiners ng routinary inventory at inspection ng mga incoming goods.

Ang mga clearance mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na nakakasakop sa naturang goods ay isinailalim rin sa balidasyon ng grupo.

Tiniyak naman ni District Collector Romeo Allan Rosales na ang Port ay nananatiling vigilante sa monitoring ng pagproseso at pag-release ng mga inangkat na asukal sa bansa.

AUTHOR PROFILE