Sam Larawan mula sa IG/Sam Pinto

Bod mom

December 4, 2024 People's Tonight 77 views

TUMAMBAD ang pinagkaguluhang hot ‘mom bod’ ng model-actress na si Sam Pinto sa social media.

Walang habas na iflinex ng celebrity mom ang kanyang walang kupas na rapsang alindog sa isang Instagram post.

Looking fresh and glowing si Sam sa ilang larawang ibinahagi niya nang magtungo sila sa beach ng Coron, Palawan.

Hindi lang araw ang titirik sa pagpapainit ng aktres sa social media, dahil maging ang mata ng mga barakong siya ang pantasya, mapapa-“ohhh yes!” sa kanya.

Makikita sa post ang ibinilad na toned body ni Sam sa arawan. Nakakasilaw ang kakinisan ng aktres na animo’y hindi nagsilang ng supling dahil walang bakas ng kahit na anong kamot o kadiliman.

Maganda ang hubog ng kanyang katawan sa suot na red two-piece bikini. Ramdam ang summer sa kanyang hotness kahit na lumalamig na ang panahon sa bansa.

Malakas pa rin ang dating ni Sam sa mga kalalakihan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya.

Pinusuan ng netizens at inulan ng komento ang pagiging ‘hot mama’ ni Sam.

Hirit pa nga ng isang IG user sa kanya, “Ang sarap mo Sam. Nakakal*b*g ka.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar