Default Thumbnail

BoC, pinarangalan ng CSC-CCB

October 12, 2022 Vic Reyes 248 views

Vic ReyesAMINADO, maging ang mga matataas na opisyal ng gobyerno, na nananatiling banta sa publiko ang nakakamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Kaya nga tuloy-tuloy pa rin ang vaccination program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para tuluyan nang malipol ang virus na ito.

Talaga namang buo ang suporta ng mga taga-Bureau of Customs (BoC), sa pangunguna ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, sa vaccination drive na ito.

Kabilin-bilinan nga ni Ruiz kina Ninoy Aquino International Airport (NAIA) District Collector Mimel C. Manahan-Talusan na siguruhing walang aberya sa paglabas ng mga dumarating na bakuna.

Sa katunayan, ang liderato ng BoC-NAIA “expedites the release and delivery of COVID-19 vaccines through the so-called advanced clearance procedures.”

Ayon pa sa ulat, ang BoC-NAIA “has processed and cleared more than 243.4 million doses of imported COVID-19 vaccines as of end-September.”

Ang “CoVax Special Handling Task Force,” na binubuo ng mga piling tauhan ng BoC’s security and operations unit, ang siyang naatasang mag-secure sa mga bakuna.

Mahalagang mailabas at mai-deliver kaagad ang mga dumarating na bakuna sa NAIA para may magamit ang mga taga-bakuna ng Department of Health (DOH).

Ang gusto ni Pangulong Bongbong Marcos ay lalo pang paigtingin ng mga otoridad ang vaccination drive para mapabilis ang economic recovery ng Pilipinas.

Tama lang ‘yan, hindi ba Vice President Sara Z. Duterte at Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri?

***

Magandang balita ito sa mga kaibigan natin sa Bureau of Customs, ang dating graft-prone na ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng Department of Finance.

Kamakailan ay pinarangalan ng Civil Service Commission-Contact Center ng Bayan (CSC-CCB) ang BoC dahil sa kanilang magandang performance.

Isa ang BoC sa “Top 10″ government agencies with the highest complaints resolution rate” na pinarangalan ng CSC-CCB sa isang virtual awarding ceremony noong nakaraang buwan.

Ayon sa record, nagawang i-resolve ng BOC ang 517 reklamong idinulog sa ahensya. Twenty-five lang na reklamo ang hindi naayos ng mga taga-BOC.

“A key partner of CSC-CCB, the customs bureau effectively processed the 515 complaints through its “Customer Assistance and Response Services,” the agency said in a report.

“CSC-CCB is one of the main feedback mechanisms that serves as the citizens’ direct line in providing feedback on the efficiency of government service delivery,” it added.

Ang CCB ay malaking tulong sa implementasyon ng Republic Act (RA) No. 9485 o ang “Anti-Red Tape Act” at RA No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.)

Noong maupo si Commissioner Ruiz sa aduana ay maliwanag ang utos sa kanya ni Pangulong Marcos na “ensure that services are efficiently delivered to the public.”

Siyempre, ang gusto ng nag-iisang anak na lalaki ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos ay lalong mapalapit ang gobyerno sa taumbayan, lalo na ang ordinaryong Filipino.

Congrats sa mga kaibigan natin diyan sa aduana.

***

Mabuti naman at obligado ng i-rehistro ang lahat ng SIM cards na ginagamit sa bansa.

Ito ay pagkatapos na pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Card Registration Act noong Lunes (October 11).

Sinabi ni Pangulong Marcos na dapat matagal ng meron tayong ganitong batas dahil marami ang gumagamit ng cellular phone ang nabibiktima ng mga manloloko.

Kung anu-anong scam at panloloko ang araw-araw na nababalitaan natin gamit ang mobile phones.

Ngayon ay hindi na magagamit ang mga celfon para sa illegal activities dahil ire-rehistro na ng gobyerno at telco kung sino ang may-ari ng SIM card na binili.

Ang bantayan lang ay baka naman manakaw o mawala ang celfon at gamitin sa kalokohan ng nakapulot o nagnakaw.

Saka mahirap na sigurong ipahiram, kahit sandali lang, ang ating celfon sa mga taong hindi natin masyadong kakilala.

Tama ba kami, Senador Bato dela Rosa?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE