
BOC, PEZA sanib-puwersa sa pagpapabilis, seguridad ng kalakalan
PUMASOK sa isang kasunduan ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) upang mas mapabilis at matiyak ang seguridad ng kalakalan sa bansa.
Layunin ng nilagdaang Data Sharing Agreement na nilagdaan nina BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio at PEZA Director General Tereso O. Panga na magkaroon ng access ang dalawang ahensya ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC) System.
Ang BOC ang siyang nangangasiwa sa mga kargamento sa mga pantalan kung saan ito papasok.
Sa pamamagitan ng E-TRACC System, na nakapaloob sa Customs Memorandum Order No. 04-2020, ay nagkakaroon ng real-time monitoring sa mga containerized goods habang ibinibiyahe sa iba’t ibang lugar.
Ang PEZA naman ang responsable sa pag-regulate at pagbabantay sa operasyon ng mag negosyo sa mga economic zone.
Sa ilalim ng Data Sharing Agreement magagamit ng PEZA ang mga datos ng E-TRACC System ng BOC upang malaman nito kung nasaan na ang mga containerized goods habang nasa labas ng economic zone.
Dahil dito ay mas mababantayan umano ang mga kargamento na dadalhin sa mga negosyo sa loob ng mga economic zone.
Kasama sa kasunduan ang pagtiyak sa susundin ang mga batas kaugnay ng data privacy at pangangalaga sa mga confidential information.