BoC-NAIA, laging ‘Alert and vigilant’

August 14, 2022 Vic Reyes 87 views

Vic ReyesMABUTI na lang at laging “alert and vigilant” ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang premier international airport ng bansa.

Hindi nila papayang malusutan sila ng mga papalabas at papasok na parcel o pakete na naglalaman ng shabu, marijuana at iba pang ipinagbabawal na substances.

Noon ngang nakaraang Huwebes ay naka-intercept ang mga tauhan ni BOC-NAIA na pinamumunuan ni District Collector Carmelita Singson Manahan-Talusan ng shabu na nagkakahalaga ng P14.7 milyon.

Ang mga droga ay nakapaloob sa dalawang inbound parcels at isang outbound parcel.

Ang outbound parcel, na natagpuan sa DHL Warehouse, ay naglalaman ng 300 gramo ng shabu na nakatago sa loob ng isang wall sticker.

Ang dalawang inbound parcels naman na nakita sa Central Mail Exchange Center (CMEC), ay naglalaman ng mga ecstasy na nakatago sa mga carton at bed sheet.

Ang matagumpay na operasyon ay parte ng tinatawag na anti-illegal drug campaign ng BOC-NAIA.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB), at nang kanilang K9 Unit.

Sina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at NAIA District Collector Mimel Talusan “are committed to increase revenue collection, improve trade facilitation and strenghten border protection.”

Keep up the good work, mga bossing!

***

Kamakailan ay binuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bago nilang opisina sa Sub-port of Currimao sa Ilocos Norte, ang probinsiya ni Pangulong Marcos.

Ang pagbubukas ng BOC office sa nasabing sub-port ay naglalayong ma-enhance ang operasyon sa nasabing seaport at ma-improve ang economic condition sa rehiyon.

Ang bagong opisina, na binasbasan ni Rev. Fr. Hermogenes Saturnino Jr., ay ang unang sub-port offices na bubuksan sa ilalim ng pamamahala ni Port of Aparri District Collector Elenita Abano.

Dumalo sa inagurasyon sina Currimao Mayor Edward Quilala, PPA Northern Luzon Port Manager Marieta Odicta, Currimao Police Chief Maj. Benjie Dairev Umalla at Currimao PCG Station Cmdr. Mark Larsen.

“The new office is a milestone achievement for both the Sub-port of Currimao and the Port of Aparri,” according to Ma. Luisa Rellon, OIC ng Port of Currimao.

Sa nasabing okasyon ay pinarangalan ng sub-port ang “top importers and stakeholders” sa kanilang tulong para maging “billionaire port” ang Port of Aparri.

Ang Port of Aparri sa probinsiya ng Cagayan ang mother unit ng Sub-port of Currimao.

Naniniwala tayo na malaking tulong sa mga importer, stakeholder at iba pang port users ang pagbubukas ng mga bagong opisina ng BOC sa sub-port offices sa buong bansa.

Kailangan ito kung gusto natin na lalong mapalapit ang gobyerno sa mamamayang Pilipino.

Tama ba kami, Commissioner Yogi Filemon Ruiz at Finance Secretary Benjamin Diokno?

***

Sa susunod na Lunes, Agosto 22, ay balik-eskuwela na ang mga estuduante hindi lang sa Metropolitan Manila (MM) kundi sa buong Pilipinas.

Ang ibig sabihin nito ay simula na ang unang semester ng schoolyear 2022-2023.

Mabuti naman at sa Nobyembre pa ang full implementation ng face-to-face (F2F) classes sa buong bansa.

Kailangan talagang mapaghandaan ang pagbabalik ng in-person classes dahil nandiyan pa naman ang nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Dapat siguruhing mabuti na hindi magkakahawa-hawa ang mga estudyante, titser, mga non-teaching school personnel at ang komunidad na nakapaligid sa mga eskuwelahan.

Panatilihing laging malinis ang mga silid-aralan at kapaligiran ng mga paaralan para maiwasan ang pagkakasakit ng mga bata, guro at mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak.

Alisin ang mga pinamumugaran ng mga lamok, daga, ipis at iba pang insekto.

Kayang-kaya ni Vice President Sara Z. Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education, na ayusin ang mga problema sa sektor ng edukasyon bago magbukas ang mga klase sa Agosto 22. (Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE