Default Thumbnail

BOC nagsagawa ng inspeksyon, audit

August 31, 2023 People's Tonight 93 views

BOCSa lahat ng accredited ‘condemnation’ facility

NAGSAGAWA ng full inspection at audit ang Bureau of Customs (BOC) sa lahat ng accredited condemnation facility sa bansa kung saan dinadala para sirain ang mga kinumpiska at inabandonang mga produkto sa iba’t ibang pantalan ng bansa.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Customs Deputy Commissioner Vener S. Baquiran, ang hepe ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) ng BOC, upang tiyakin ang integridad at pagsunod ng mga condemnation facility sa polisiya ng ahensya.

“These facilities are crucial in maintaining transparency and accountability of our operations,” giit ni Baquiran.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 07-2023, na inamyendahan ng CMO No. 24-2021, ang lahat ng aplikasyon para sa accreditation ng serice contractor ay dapat aprubahan ng Deputy Commissioner, AOCG.

Ito ay upang matiyak na sumusunod ang naturang mga pasilidad sa CMO No. 24-2021 kung saan nakasaad ang guideline para sa pagtatapon ng mga nakumpiska at inabandonang produkto.

Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang pagsasagawa ng audit ay pagpapakita ng layunin ng ahensya na sumunod sa pinakamataas na pamantayan at mapanatili ang tiwala ng publiko.

“This audit reflects our commitment in upholding the highest standards of our operations and maintaining public trust with the Bureau,” ani Commissioner Rubio.

Bilang tugon sa Section 7.2 ng CMO No. 24-2021, ang Port Operations Service (POS) sa pamamagitan ng Auction and Cargo Disposal Monitoring Division (ACDMD), ay nakapagsagawa na ng audit sa lahat ng 38 BOC-accredited condemnation facilities sa bansa.

AUTHOR PROFILE