BOC

BOC lumagpas sa target nakolekta noong Nobyembre

December 7, 2023 People's Tonight 115 views

NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang target nitong makolekta noong Nobyembre, ayon kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Ayon kay Commissioner Rubio nakakolekta ang ahensya ng P75.338 bilyon noong Nobyembre mas mataas ng 1.5% o P1.089 bilyon sa target nito.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2023, nakakolekta na ang BOC ng P813.651 bilyon lagpas ng 2.2% o P17.685 bilyon sa target na P795.966 bilyon.

“Our stringent revenue collection initiatives resulted in a significant increase in the Bureau’s collection. We are fully committed in enhancing trade efficiency to collect more funds for the various public service programs of our honorable President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” ani Commissioner Rubio.

Ang nakolekta sa unang 11 buwan ng 2023 ay mas mataas ng P24.40 bilyon sa P789.246 bilyon na nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022.

Sa ilalim ng pamamahala ni Commissioner Rubio ay isinulong ang digitalization upang mas mapabilis ang pagproseso sa mga import at export transaction. Pinag-igting din ang pagbabantay sa mga pantalan upang hindi makalusot ang mga smuggled na produkto.

AUTHOR PROFILE