Default Thumbnail

BOC, laging naka-alerto!

October 18, 2023 Vic Reyes 279 views

Vic ReyesKAHIT may pandemya, laging nasa “limelight” ang Bureau of Customs (BOC), ang panagalawang pinakamalaking revenue-generating agency ng gobyerno.

Ito’y hindi na nakapagtataka dahil hindi lang pangongolekta ng tamang buwis, taripa at iba pang bayarin ang inaatupag ng mga opisyal at tauhan ng nasabing ahensya.

Palagi silang nakaalerto upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando, lalo na ang illegal drugs at agricultural products, sa buong bansa.

Hindi ito madali dahil alam naman nating mahaba ang coastlines at mahigit pitong libo ang mga isla natin na puwedeng bagsakan ng iba’t ibang kontrabando.

Pinagtutuunan din nila ang paghahanap ng mga nakalulusot na kontrabando na nakaimbak sa mga bodega hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.

Sa totoo lang, maraming “kaaway” ang ahensyang ito na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Ilocos Norte.

Nandiyan ang mga korap na lingkod-bayan, ismagler, mga mandarayang port user, mga name-dropper, fixer, favor seeker at plain scammer na naglipana sa lipunan.

Hindi kagaya ng ibang opisina ng gobyerno, ang BOC ay laging “on the go” dahil nakatutok ang atensyon ng publiko sa lahat ng ginagawa ng “men and women in customs uniform.”

Kahit maraming problema sa aduana, nananatiling focused ang mga taga-BOC sa kanilang mga trabaho.

Mabuhay kayo diyan sa aduana!

***

Simula na ngayong araw Oktubre 19, ang opisyal na kampanya para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Election.

Sampung araw lang ang “campaign period.”

Magtatapos ang kampanya sa Sabado, Oktubre 28 at sa Lunes, Okture 30, ang araw ng halalan sa buong bansa.

Hindi kagaya ng mga nakaraang eleksyon, nasyonal at lokal, ang darating na BSKE ay tinatawag na non-partisan dahil bawal makialam ang mga politiko at partido politikal.

Sa tingin ng marami, tama lang ito para huwag naman masyadong mainit ang kampanya dahil “labanan lang ito ng halos mga magkakamag-anak, magkakaibigan at magkakapit-bahay.”

Sana pagkatapos ng halalan ay kalimutan na ang politika at bumalik ang magandang samahan ng mga residente.

Kung minsan kasi, hindi natatapos ang iringan kahit matagal ng tapos ang eleksyon.

Sa tingin ng marami, hindi tama ito dahil walang ibang tutulong sa atin kung magka-problema tayo, kagaya ng sunog at baha, kundi ang mga taong nasa paligid natin.

Ang eleksyon ay pang dalawa o tatlong buwan lang. Kung sino ang mga mananalo sa halalan, tulungan natin para mapaganda ang ating mga barangay.

Tigilan na natin ang iringan pagkatapos ng halalan.

Sabi nga sa English: Better luck next time”

***

Randam na natin ang papalapit na Christmas Season sa Pilipinas.

Sa maraming parte ng bansa, lumalamig na ang simoy ng hangin pagdating ng madaling araw.

Ang problema nga lang, dumarami na naman ang nagkakasakit ng ubo, sore eyes, sipon at iba pang sakit na usong-uso kapag dumarating ang kapaskuhan.

Isa pa, dapat mag-ingat tayo dahil nandiyan na naman ang mga nakawan, lalo na kung gabi dahil napapasarap ng tulog ang marami sa atin kapag maginaw ang panahon.

Hiling naman ng marami, sana huwag naman masyadong tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalo na ang pagkain at iba pang essential commodities, habang papalapit ang araw ng Pasko.

Huwag namang garapal ang mga negosyante dahil talagang hirap pa rin ang taumbayan pagkatapos ng dalawang taong total lockdown sa bansa.

Talagang maraming nahirapan nitong nakaraang dalawang taon dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE