Rubio

BOC kasama sa mga ASEAN members na lumagda sa kasunduan

October 12, 2023 People's Tonight 569 views

Para mapabilis customs clearance

LUMAGDA ang Pilipinas kasama sa Mutual Recognition Arrangement (MRA) kasama ang iba pang miyembro ng ASEAN para mas mapabilis ang proseso ng customs clearance sa mga kalahok na bansa.

Si Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang lumagda sa MRA para sa Pilipinas upang mas maging hayag ang trading environment ng 10 ASEAN Member States (AMS).

Sa ilalim ng ASEAN Authorised Economic Operator (AEO) Programmes MRA (AAMRA) ay titiyakin na magkakatugma ang mga certification standards na gagamitin ng mga AMS customs administration sa kanilang AEO programmes alinsunod sa World Customs Organisation (WCO) SAFE Framework of Standards to Secure and Facilitate Global Trade (SAFE Framework).

Ang mga certified AMS AEO ay mabibigyan ng mas mabilis na cargo clearance at priority treatment para sa cargo inspection ng kanilang mga kargamento na dinadala sa mg kasaping bansa.

Dahil mas matutuloy ang oras ng paggalaw ng mga kargamento ay mas makatitipid ang mga negosyante at mas murang maibebenta ang mga produkto.

Matatandaan na inanunsyo ang isang Joint Action Plan para sa tuwirang pagpapatupad ng AAMRA sa pagbubukas ng 31st meeting ng ASEAN Director-Generals of Customs noong Hunyo sa Singapore.

Kapag natapos na ang gagawing domestic administrative procedure, anim na ASEAN Member States—ang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, at Singapore, ang pagsasagawa ng anim na buwang pilot implementation ng AAMRA na sisimulan sa huling bahagi ng 2023. Inaasahan naman na tuwiran ng maipapatupad ang AAMRA sa susunod na taon kasama na ang apat pang AMS.

AUTHOR PROFILE