Ruffa

Biyaheng Morocco ni Ruffa, ibinuking ni Direk Darryl

February 10, 2023 Jun Nardo 228 views

NABUKIING ang pagpunta ni Ruffa Gutiererrez sa Morocco nang mag-shoot sa bansa ang ilang eksena ng Viva Films movie na Martyr or Murderer (MoM).

May mga eksenang kinunan sa Morocco kung saan si Cristine Reyes ang present sa set.

“Malapit sa Marcoses ang mga taga-Morocco kaya doon kami nag-shoot. Nalaman ko nga sa kababayan natin doon na nagpunta roon sa Ruffa at sa isang mamahaling hotel nag-check in!” pahayag ni Direk Darryl sa presscon ng MoM habang nakatingin lang sa kanya si Ruffa.

Base sa trailer, mas matapang ang movie pero sa Maid in Malacañang.

Pero sa pag-aanalisa ng maraming nakapanood sa official trailer nito, tila lumalabas na may love triangle na namagitan kina Marcos Sr., Imelda at Ninoy, huh!

Eh, nang tanungin si Direk Darryl kung kinuha ba niya ang side ng mga Aquino sa paggawa ng kuwento ng movie, ang sagot niya: “Sa mga Marcos ako kumikita at hindi sa mga Aquino kaya hindi ko kailangang kunin ang side nila sa story.”

Mapapanood na sa March 1 ang MoM at katapat nito ang movie ni Joel Lamangan na Ora de Peligro na isang open anti-Marcos project.

JOEY, JOIN SA CONCERT NI LOUIE

NGITING tagumpay ang Viva Live, producer ng anniversary concert ng legendary composer na si Louie Ocampo.

Marami kasing humihiling na makasama sa concert ni Sir Louie ang ex-GF niyang si Joey Albert na kumanta ng hit compositions niya gaya ng Tell Me at iba pa.

Hindi nakasama si Joey sa naunang concert ni Louie dahil sa conflict of schedule.

Pero present naman doon as guests sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera at iba pang mga singer na naging bahagi ng buhay ni Louie.

Pero isang surprise ang nangyari dahil finally, pumayag na si Joey na maging isa sa guests sa February 14 concert ni Louie sa The Theater at Solaire.

Yes, Joey will be present sa concert ni Louie kasama sina Pops Fernandez (na naging malapit din kay Louie) at Martin.

Naku, tiyak na traffic sa araw na ‘yon papuntang venue sa Valentine’s Day dahil sa pasabog na guests ni Sir Louie.

AUTHOR PROFILE