Default Thumbnail

Bivalent shots vs Covid pwde na sa Manileno

July 10, 2023 Edd Reyes 228 views

MATAPOS simulan ang pagbabakuna ng COVID-19 bivalent vaccine sa mga healthcare workers noong nakaraang buwan, inumpisahan na rin sa Maynla kahapon ang pagtuturok sa mga senior citizens.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna-Pangan, puwede nang iturok ang Pfizer COVID-19 bivalent vaccine sa mga vulnerable sectors o sa A2 (senior citizens) priority group sa 44 na health centers sa Maynila.

Nilinaw ng alkalde na maituturok lamang ang bivalent vaccine sa mga senior citizen na nakatanggap na ng ikalawang booster shot sa nakalipas na apat hanggang anim na buwan.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagbibigay ang bivalent vaccine ng kaukulang proteksiyon laban sa orihinal na COVID strain at sa Omicron variant.

Maituturing din na ikatlong booster sa mga karapat-dapat na populasyon ang bagong vaccine ng Pfizer.

Kinakailangang magdala ng valid ID cards mga kuwalipikadong nais tumanggap ng bivalent vaccine.

Dapat naman magdala ng kinakailangang updated na vaccination card at medical clearance naman ang mga itinuturing na immunocompromised patients na kabilang sa A1 at A2 priority groups.

AUTHOR PROFILE