Herbert

Bistek, umanib kina Tito Sen at Ping … dating mayor, tatakbo sa pagka-senador

October 6, 2021 Vinia Vivar 192 views

Nanggulat si former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pagpa-file niya ng kanyang COC (certificate of candidacy) kahapon (October 6, Wednesday).

Nag-file ng kanyang COC si Bistek sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City. Tatakbo siyang senador sa 2022 elections sa ilalim ng tiket nina Sen Ping Lacson and Senate President Tito Sotto.

Matapos ang termino ni Bistek bilang mayor ng Quezon City noong 2019 ay hindi na siya tumakbo at nagpahinga muna’t nag-focus sa kanyang mga anak.

Marami nga ang nagtatanong sa kanya kung tatakbo siya sa 2022 elections at kung anong posisyon pero naging tahimik siya sa kanyang political plans kaya marami ang nagulat sa filing niya kahapon.

Kumbaga sa baterya ay nakapag-recharge na si HB kaya naman ready na naman siyang sumabak muli sa bagong hamon.

NAGPAKATOTOO

Magpapakatotoo na si Andrei (Paulo Avelino) sa tunay niyang nararamdaman para kay Camille (Janine Gutierrez) at idadaan ito sa isang makahulugang halik ngayong linggo sa Marry Me, Marry You.

Pagkatapos magpaliguy-ligoy ng damdamin ni Andrei, masasagot na ang mga katanungan ni Camille tungkol sa totoong intensyon ni Andrei pagkatapos siya nitong halikan.

Katrabaho lang talaga ang tingin ni Andrei kay Camille noong una pero unti-unting nahulog ang loob niya dahil sa labis na pagmamalasakit at pag-aalaga na ginagawa ni Camille sa kanya.

Ngunit manganganib din ang kanilang pagsasama dahil gusto nang ibunyag ni Elvie (Cherry Pie Picache), ang ninang ni Camille, ang matagal na niyang sikreto na siya ang totoong nanay ni Andrei at handa siyang harapin ang anak upang humingi ng tawad pagkatapos niya itong ipamigay noong bata pa siya.

Hindi lang lovelife ni Camille ang sisigla, pero maging ng ninang niyang si Paula (Sunshine Dizon) na hiwalay sa asawa nito (Joko Diaz).

Ngayong linggo, makikilala na ni Paula ang mas batang fitness coach na si Luke (Fino Herrera) na maaaring magpatibok ng kanyang puso.

Napapanood ang Marry Me, Marry You gabi-gabi, 9:25 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE