Bistek

Bistek, may super hero moment sa non-showbiz crush … official jingle ng senatoriable, ilulunsad

February 3, 2022 Ian F. Fariñas 192 views

NATUPAD na ang plano ng senatorial aspirant na si Herbert Bautista na magkaroon ng sariling YouTube channel.

As of presstime, meron nang 221 subscribers Herbert Bautista Official YouTube channel.

Ang many firsts sa buhay ng dating Quezon City mayor ang laman ng kauna-unahang video upload, kabilang na ang kwento tungkol kay Barbara, ang kaeskwela na first crush niya.

Kuwela ang pa-throwback na super hero moment ni Bistek kay Barbara na siguradong kaaaliwan ng kanyang supporters.

Gaya ng una niyang sinabi, sa future videos ay balak ng senatoriable na i-showcase ang magiging takbo ng kampanya niya sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Bukod sa pakikipag-dayalogo, gusto rin ni Bistek na muling ma-feature ang kagandahan at kayamanan ng kulturang Pilipino sa YT.

Bukas naman, February 4, ilulunsad ang official jingle ng senatoriable. May titulong Bistek, I Like It, magiging available ito sa lahat ng music platforms, kabilang na ang Spotify, sa 250 territories worldwide.

AUTHOR PROFILE