Bistek

Bistek kay Kris: Pagaling ka … ‘malaki ang respeto ko sa pamilya mo at sa ’yo’

April 3, 2022 Ian F. Fariñas 228 views

KrisTINUPAD ni dating Quezon City mayor at ngayo’y senatorial aspirant Herbert “Bistek” Bautista ang pangako na sasagutin ang pasaring ni Kris Aquino ukol sa “ex” na ’di tumutupad sa pangako nang magdaos ng campaign sortie ang BBM-Sara UniTeam sa Tarlac nitong Sabado.

Sa kumalat na video sa socmed, sinabi ni Bistek na natagpuan na sana niya ang babaing pakakasalan niya, kaso tinatakan siya nito ng “x.”

“Pero ’di ko alam kung ako ’yon, ha, baka ibang tao naman ho iyon, ’di po ba?” patuloy niya.

“Basta ako po, ito lang po ang sasabihin ko. Ang sinabi nga po ni BBM at ni Inday Sara, ’pag ikaw ay binato, batuhin mo ng (burger). Okay. Pero seriously, mga kaibigan, ito na lang ang aking message sa kanya. Nanginginig ’yung tuhod ko. Mayor Cristy (Angeles, ng Tarlac), burger nga tayo!

“Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa ’yo. At ang aking pagmamahal sa iyo, bilang kaibigan, ay hindi na mawawala. So, pagaling ka and kakain ka ng marami.”

Nakiusap din si Bistek sa mga Tarlaqueño na iboto naman siya dahil pitong taon siyang nanilbihan bilang konsehal, 12 taong vice mayor at nine years naging mayor ng Quezon City.

AUTHOR PROFILE