PDEA

Bistek, kauna-unahang senatoriable na nagpa-drug test

November 22, 2021 People's Tonight 258 views

AKTIBO sa showbiz ang dalawang lalaking anak ni senatoriable Herbert Bautista.

Ang anak niyang si Race ay makakasama sa Bea Alonzo at Alden Richards movie. Si Harvey naman ay makakasama sa Nino Nina ni Maja Salvador sa TV5.

Babalik naman mula sa New York City ang babae niyang anak na si Athena na nag-aaral doon.

Of course, nandiyan ‘yung festival movie ng Heaven’s Best Entertainment na Huling Ulan sa Tag-araw nina Rita Daniella at Ken Chan.

Palibhasa lumaki sa showbiz kaya namana ng dalawang anak ni Bistek ang hilig sa pag-aartista, huh!

Speaking of senatoriable Bistek, siya ang kauna-unahang senatorial candidate na nagtungo at boluntaryong sumailalim sa drug test sa PDEA headquarters kahapon.

Siyempre, negative ang resulta ng test ni Bistek na certified nina Angela Salvador ng Chief Research Division Lab Service at chemist Shane Mendez. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE