Herbert

Bistek, ’di alam na ikakasal si Kris

November 4, 2021 Vinia Vivar 334 views

KrismelMatagal ding napahinga si former Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa pulitika dahil nga hindi siya tumakbo noong 2019 nang matapos na ang kanyang termino bilang alkalde.

Aniya ay choice niyang magpahinga muna dahil gusto naman niyang makasama ang mga anak niya nang matagal lalo pa nga’t malalaki na ang mga ito.

“Gusto kong makasama ang mga anak ko kasi mga adult na sila, eh. And you know, talking to children who are now adults, medyo adulting na ang usapan namin,” aniya sa lunch tsikahan with the entertainment press yesterday.

“And I guess, the millennials, my children, are even more rationale, or at least, iba na ang pananaw nila sa mga bagay-bagay, and I learned from them. More than anything else, I learned from them,” he added.

Bukod dito, gusto raw sana niyang mag-travel with the kids and do a travel vlog kaso ay bigla namang nagka-pandemic kaya naudlot ang lahat ng plano.

“So, nu’ng nag-pandemic, tumulong naman tayo in our own simple way. Sa mga taga-Quezon City, sa Caloocan, namigay kami ng medicine sa nga ospital. That’s what we have been doing during the pandemic.

“So, sa munting kakayahan namin, sana, nakatulong kami or nakaambag na maibsan ‘yung pangangailangan ng ating mga taga-Quezon City, sa Metro Manila, marami kami, ‘yung grupo namin, tumutulong talaga,” ani Bistek.

Nang mag-file siya last October ng kanyang candidacy for senator sa 2022 elections, aminado siyang nasorpresa maging ang kanyang pamilya.

“Nobody in my family or among my circle knew that I was running for the Senate. Because when I was interviewed much earlier sa mga Zoom-Zoom, sa mga press conference ng mga show, I would always say ‘hindi ko alam kasi sa October pa, I leave it to the party. My party is the Nationalist People’s Coalition,” kwento ni Bistek.

Hanggang sa magdesisyon na nga ang kanyang partido at sinabihan siya ni Senate President and Vice Presidentiable Tito Sotto na panahon na para tumakbo siya sa Senado.

Natutuwa naman si Bistek na nang magdesisyon siyang tumakbo ay marami agad sa industriya ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kanya tulad nina Mother Lily and Roselle Monteverde of Regal Films at Boss Vic del Rosario and Vincent del Rosario of Viva Films at marami pang iba.

Siyempre, hindi maiwasang matanong si Bistek tungkol sa engagement ni Kris Aquino na as we all know ay matagal ding na-link sa kanya.

Nagbiro si Bistek na mahina ang signal kaya nagtsa-choppy siya. Tawanan ang press.

And then, seriously sey niya, “Hindi ba sinabi ko naman masaya ako dahil if you read her post, ‘yung peace and quiet, ‘yun ang hinahanap niya, eh. So, okay naman. I think, she’s happy.”

Na-shock ba siya na ikakasal na si Kris?

“Hindi ko alam na ikakasal siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor ng ano niya,” sambit ng senatoriable.

Pero inulit naman niyang happy siya for Kris.

Asked kung happy naman siya, “Oo naman, happy naman ako.”

Sino ang nagpapa-happy sa kanya? Beauty queen ba?

“Wala, wala,” aniya sabay-tawa.

AUTHOR PROFILE