Bistek

Bistek, achievement ang ranking sa eleksyon

May 13, 2022 Jun Nardo 76 views

MALAKING achievement na rin ang resulta ng pagtakbo ni Herbert “Bistek” Bautista sa national election.

Hindi man pinalad si Herbert na makapasok sa Magic 12 senators, tinalo naman niya ang ilang mga nakalaban niya na pader na sa national politics, huh!

“Ganda ng ranking natin for a newcomer in national politics. Galing!!! Malaking bahagi kayo doon. Salamuch!!! Praise God!!” message ni Herbert sa isang group chat na kinabibilangan niya.

Dagdag niya, “Saya ng campaign!”

Wala pang sinabi si HB kung ano na ang next plan niya sa coming days.

OGIE, BAGONG MANAGER NI IAN

OPISYAL nang bahagi na si Ian Veneracion ng A-Team Management ni Ogie Alcasid.

Mula sa pagsasama sa isang concert na The Kilabotitos, heto at magiging manager na ni Ian si Ogie.

Eh, dahil nadiskubre na ang talento sa pagkanta ni Ian, who knows, magtuluy-tuloy na ito para sa aktor na bihira na ring umarte sa telebisyon ngayon?

AUTHOR PROFILE