Birthday ni Tali dinaluhan ng lahat ng anak ni Bossing Vic
MAGKASUNOD lamang ang birthday ng mag-inang Pauleen Luna-Sotto (November 10) at Talitha `Tali’ Maria Luna Sotto (November 6) but Vic Sotto’s wife decided na ang ika-7th birthday na ng kanilang panganay na si Tali ang kanilang i-celebrate.
Masayang-masaya si Tali sa kanyang 7th birthday na dinaluhan ng kanyang relatives and friends.
Bukod sa almost ten months old younger sister ni Tali na si Thia `Moochi’ Marcelie, her parents Vic and Pauleen, kumpleto silang magkakapatid dahil naroon din ang kanyang elder siblings na sina Danica, Oyo, Mayor Vico (ng Pasig) at Paulina and their respective families maging ang kanyang relatives na pinangunahan ng kanyang uncle na si dating Senate President Tito Sotto and wife, Helen Gamboa-Sotto, cousin Ciara Sotto at anak nitong si Crixus at iba pa.
Naging punong abala naman si Pauleen sa pag-aasikaso sa lahat ng dumalo sa kaarawan ng kanilang panganay ni Bossing (Vic Sotto).
Bukod sa 7th birthday ni Tali, nagsilbi rin itong 36th birthday celebration ni Pauleen at 13th anniversary ng kanilang relasyon ni Bossing.
Ang love affair nina Bossing at Pauleen ay nagsimula sa set ng noontime program na “Eat Bulaga” kung saan magkasama ang dalawa. Hindi rin hadlang sa dalawa ang malaking agwat ng kanilang mga edadna 34 years. Vic is 70 habang 36 naman si Pauleen.
It was in 2011 when Bossing and Pauleen started dating. Taong 2015 naman nangyari ang kanilang engagement na sinundan ng kanilang grand wedding on January 30, 2016 sa St. James the Great Parish Church in Ayala, Alabang, Muntinlupa City. On November 6, 2017 ay isinilang ang kanilang firstborn na si Tali and almost 7 years later ay ipinanganak naman ang kanilang second child na si Moochi (Thia) nung January 23, 2024.
Vic has long been separated from his first wife, ang actress na si Dina Bonnevie kung kanino siya may dalawang anak na sina Danica at Oyo at siyam na apo. Tatlo sa kanyang panganay na si Danica at mister nito, ang dating cager na si Mark Pingris at anim naman sa mag-asawang Oyo at Kristine Hermosa-Sotto. May isa ring apo si Bossing sa anak nitong si Paulina (kay Angela Luz).
May isa pang anak si Bossing sa veteran actress na si Coney Reyes na si Vico Sotto, ang sitting mayor ng Pasig City.
Kahit magkakalapit lamang ang edad ng apat na grown up children ni Bossing na sina Danica, Oyo, Vico at Pauline kay Pauleen, very close ang huli sa mga anak ng veteran TV host, actor-comedian, singer-songwriter and producer maging sa kanilang respective families.
Ex ni Karla engaged na sa isang DJ
NON-SHOWBIZ ang ex-boyfriend ng singer, actress, host, entrepreneur-turned politician na si Karla Estrada na si Jam Ignacio who’s 7 years her junior. Tumagal din ng ilang taon ang relasyon ng dalawa bago ito nauwi sa hiwalayan. Naging supportive din ang four grown-up children ni Karla (with Daniel Padilla as the eldest) sa naging relasyon ng dalawa.
With Karla being a showbiz personality, nakilala rin si Jam. Kaya nang muling makahanap ng bagong girlfriend ang huli ay napabalita rin ito.
Sa birthday ng bagong girlfriend ni Jam, ang club DJ na si Jellie Aw ay itinaon niya ang kanyang proposal on their 4th month bilang magkasintahan.
Jam who is an accountant and businessman by profession ay may dalawang anak from his previous relationship.
Bea pinabulaanan ang tsismis, Sue at Dominic wala pa ring reaksyon
MATAPOS mag-viral ang tila kissing photo nina Sue Ramirez at Dominic Roque na kuha sa isang bar in Siargao Island, nag-viral din ang photos ng ex-fiancee ni Dominic na si Bea Alonzo with a non-showbiz guy who looks younger than her. Karamihan sa netizens ay nag-conclude ay boyfriend na ito ng actress. Nang ito’y makarating sa kaalaman ng Kapuso star ay agad niya itong pinabulaanan sa pamamagitan ng kanyang post.
“Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS. And the stories are getting ridiculous. Kalma lang po tayo,” pakiusap ng actress.
As to Sue and Dominic, wala pa ring reaction ang dalawa sa kanilang napapabalitang relasyon ngayon matapos kumpirmahan ng dating nobyo ng actress, ang actor-turned Victorias City mayor na si Javi Benitez sa kanyang post na four months na umano silang hiwalay ng actress.
Message ni Tyra Banks kay Chelsea nag-viral
SA darating na November 16, 2024 (November 17 ng umaga sa Pilipinas) gaganapin ang 73rd edition ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico City Arena or Arena CDMX in Mexico City kung saan kinatawan ng Pilipinas ang 25-year-old na si Chelsea Manalo from Meycauayan, Bulacan.
Chelsea looks up to British model Naomi Campbell and American supermodel Tyra Banks as her inspirations nang kanyang pasukin ang pagmu-modelo at age 14.
Born to a Filipino mother and African-American father, she was barely one-year-old nang magkahiwalay ang kanyang parents. When her father passed on, muling nag-asawa ang kanyang inang si Contessa Manalo at lumaki siya sa kalinga ng kanyang ina at stepfather na si Randy Angeles.
Taong 2017 nang sumali si Chelsea sa Miss World Philippines pero pumasok lamang siya sa Top 15. Seven years later ay sumali siya sa 2024 Miss Universe Philippines at siya ang nakakuha ng korona at titulo.
A graduate ng Tourism Management sa De la Salle University and an advocate ng indigenous Dumagat people, education, accessibility and women empowerment, umaasa si Chelsea na siya na ang pagiging panglimang Filipina na makakapag-uwi ng crown.
Even before the coronation night on November 16 in Mexico, bukod sa kanyang mga kababayan all over the world, malaking boost din kay Chelsea ang suporta sa kanya ng kanyang idolo, ang supermodel na si Tyra Banks na ang mensahe for her ay nag-viral.
“Get it, girl!!!” post ni Tyra.
May mga tanong sa ex ni Ai Ai na si Gerald
NAPAKASAKIT na advance birthday gift ang natanggap ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas nang makipaghiwalay sa kanya ang kanyang mister, ang non-showbiz na si Gerald Sibayan almost a month before her 60th birthday last October 14, 2024 (madaling araw sa Pilipinas) nang matanggap niya ang nakaka-shock na text message ni Gerald na ito’y nakikipag-hiwalay na sa kanya dahil gusto niyang magkaroon ng anak at hindi na umano siya masaya.
Hindi agad na-process ni Ai-Ai ang text message ng asawa na inakala niya nung una na ito’y nagbibiro lamang.
Sa kabila ng sampung taon nilang relasyon (3 years bilang magkasintahan at pitong taon bilang mag-asawa) ay nagawa ni Gerald na makipaghiwalay sa kanya sa pamamagitan lamang ng text habang siya’y nasa Pilipinas.
Nang bumalik sa kanilang bahay sa America (in San Francisco, California) si Ai-Ai ay wala na roon ang mga personal na gamit ng asawa. Hindi man lamang nagawa ni Gerald na hintayin siya (Ai-Ai) sa kanyang pagbabalik at mag-usap. She was in shock at hindi na niya nagawa pang tawagan ang mister para sila’y mag-usap. Matagal bago nag-sync in kay Ai-Ai ang mga pangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya halos makapaniwala na magagawa ito sa kanya ng asawa sa kabila ng mga sakripisyong kanyang ginawa sa simula pa lamang ng kanilang relasyon.
Nasa Amerika ngayon si Gerald dahil kay Ai-Ai at naka-process na umano ang green card nito at nagta-trabaho na umano doon. Is he on a working visa o tourist visa pa lamang ang kanyang tangan? Dahil kung wala pa itong green card at tourist visa lamang ang kanyang hawak at wala rin itong working visa, illegal ang kanyang pagta-trabaho ngayon sa Amerika at puwede siyang mapa-deport laluna sa administasyon ng nagbabalik sa White House na si President-elect Donald Trump.
Lumantad naman kaya si Gerald to air his side kung bakit nagawa niya ito sa kanyang wife of almost 7 years? On December 12, 2024 ay magsi-celebrate dapat ang (dating) mag-asawa on their 7th wedding anniversary pero hindi na ito magaganap.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram ang Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.