Default Thumbnail

Biometrics mas maigi para sa SIM card registration

October 11, 2022 Allan L. Encarnacion 361 views

Allan EncarnacionANG pagsasabatas ng SIM card registration ay magpapatahimik sa ating mga cellular phone na maya’t maya inuulan ng mga spam at scam text messages.

Atat na tayong mapairal ang mga penalty clause ng bagong batas para matukoy at maipakulong ang mga walang magawa sa buhay na nanloloko sa ating mga kababayan.

Kailangan nang magsumite ng government ID ang mga bibili ng SIM cards kahit pa mga prepaids.

Ang problema lang natin dito, bukas pa rin ang Recto University na gumagawa ng mga pekeng ID na posibleng magdagsaan ang mga sindikato.

Kailangan ding kumilos ng mga awtoridad sa Maynila at NBI para ipasara ang mga sentro ng pagawaan ng mga fake IDs at maging epektibo ang SIM card registration.

Dapat siguro hindi lang ID ang hanapin sa mga bibili ng prepaid SIM cards, mas maganda siguro ay ipa-biometrics din sila para makuha na ang kanilang mga finger prints na mailalagay sa central data base ng gobyerno.

Wala ka namang dapat ikatakot dito sa SIM registration at biometrics kung hindi ka kriminal.

[email protected]