
BINURDAHAN NG BALA
ISANG vendor ang pinagbabaril at mistulang binurdahan ng bala habang nakikipag-usap ito sa isang lalaki sa panulukan ng Dandan at Osmeña Street sakop ng Barangay 117 sa Tondo, Manila, Martes ng gabi.
Nakilala ang biktimang si Rolando Francisco, binata, ng Maharlika Street, Tondo.
Mabilis natimbog sa inilatag na manhunt operation ng mga kapulisan sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, Commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, ang umano’y gunman na si JB Castro, 19, driver, ng Capulong Imelda Street, Barangay 108, Tondo.
Agad na ipinagbigay alam ang insidente sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section.
Nagawa pang maisugod sa Mary Johnston Medical Center Ang biktima, subalit ideklara itong dead on arrival dakong 12:25 a.m. ni Dr. Aldrich Pua, attending physician..
Under custody na sa MPD Homicide Section ang suspek para sa imbistigasyon sa kung ano ang motibo nito sa pagpatay umano sa nasabing vendor.