Robin

Binoe umaming naadik sa Demerol

December 22, 2024 Vinia Vivar 75 views

Unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang pagsusulong ni Sen. Robin Padilla na i-legalize ang medical cannabis o marijuana sa Pilipinas.

Matagal nang ipinu-push ni Sen. Robin ang Senate Bill (SB) No. 2573 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines pero dahil marami ang kumokontra rito ay hindi ito umuusad.

“Sa matagal na panahon po lagi po itong umaabot ng third reading sa House pero pagdating po sa Senate hindi po ito tumatakbo. Siguro po dahil sa generation gap dahil matagal sa panahon na ‘yung mga nakaupo din sa ating Senado, sa atin pong mataas na Kapulungan ay medyo nakatatanda,” pahayag ni Sen. Robin sa presscon na ginanap last Thursday.

“Ang mga nakaupo po ngayon na mga senador ay mas ka-edad po natin, mas naiintindihan na po nila kung ano ang benepisyo ng cannabis.

Kaya po ngayon umabot na po kami sa interpellation,” aniya.

Nasaksihan mismo ni Robin ang bisa ng medical cannabis sa mga taong may sakit nang magpunta siya sa Israel at Prague kamakailan.

“Nu’ng magpunta po ako do’n, medical cannabis ang kanilang ginagamot po number one, sa kanilang mga matatanda, sa pain, cancer and old people.

“When I went to Israel, I went to the lab (laboratory), they showed me the difference between recreational and medicinal cannabis. Kasi alam n’yo ‘yung recreational, kahit saan lang ‘yan.

“Pero iba po ang medical, malinis, lahat. In-explain po nila ‘yun. Pinakita nila kung ano ang hitsura ng lab nila o paano ginagawa ‘yung oil, malinis po talaga,” he said.

Dinala rin daw siya sa nursing home ng Israel at nakita niya mismo na ginagamit ang cannabis oil sa inaalagaang Israelis doon.

“Nakita ko talaga, eh. So, bumalik ako dito, ikinuwento ko sa Senado. Medyo mayroon pa rin silang konting tanong. Pumunta naman ako ng Prague. Kasi magkaiba, eh. Bawat bansa, iba ang kanilang pamamaraan.

“Sa Prague, ang specialty nila is not oil. Capsule ang kanila. Pero same lang din,” kwento niya.

Bukod nga sa magandang naidudulot nito sa ating kalusugan, very affordable pa raw ang medical cannabis at kayang-kaya ng ating mahihirap na kababayan.

“Ito na ang pinakamura at pinaka-epektibo na puwede pong i-subsidize ng gobyerno,” aniya.

Hindi raw tayo dapat matakot kung may mga taong aabusuhin ang medical marijuana dahil wala itong negative effect sa kalusugan at nakakabuti pa nga.

“Panahon na para ma-realize ng ating mga kababayan na ang panahon ng marijuana, eh tapos na po ‘yan. Ngayon po ay medical cannabis na,” aniya.

Isa nga rin daw sa mga dahilan kung bakit niya ipinu-push ang paggamit ng medical cannabis ay dahil siya rin mismo ay kailangan niya ito for his health.

“Alam mo naman, stuntman din tayo noong araw. So, I have a broken back, broken neck, mga sunog, lahat. So, ang ibinibigay sa akin ng doktor ay Demerol o ‘yung morphine tab,” aniya.

There was a time na na-addict daw siya sa Demerol because of his pain. Mabuti na lang at natigil nang makulong siya.

Na-try na rin daw niya noong araw ang recreational marijuana at ibang-iba raw ito sa medical cannabis.

“Siyempre, na-experience natin ‘yung recreational noong araw pa. Hindi naman tayo nagsisinungaling, ano? That is why I’m the Bad Boy of Philippine movies (tawag sa kanya noon). We experienced everything.

“Pero siyempre, iba ‘yung medical cannabis. We cannot compare medical cannabis to recreational marijuana. Malayong-malayo po,” aniya.

Naniniwala si Sen. Robin na maaaprubahan din sa Senado ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines dahil marami na rin daw senador ang kanyang kakapit-bisig at sumusuporta sa bill na ito.

Samantala, humarap din sa presscon ang mga scientist at doctor na sina Dr. Shiksha Gallow, Dr. Romeo Quijano at Dr. Angel Joaquin Gomez para ipaliwanag ang medical cannabis at ang magandang naidudulot nito sa mga taong may sakit.

AUTHOR PROFILE