Binoe at Mariel masaya sa pagkapanalo ni Trump
Isa si Robin Padilla sa mga masaya sa pagkakapanalo ni Donald Trump bilang presidente ng United States of America sa katatapos lamang na eleksyon doon.
Noon pa ay supporter na si Robin at ang asawa niyang si Marielle Rodriguez ng nasabing reelected president at very vocal sila about it even before.
Sa mga hindi nakakaalam, si Mariel kasi ay isang American citizen at ang ikalawang anak nila na si Gabriela ay ipinanganak doon noong 2019.
Sa Facebook ay sunod-sunod ang pagbati ng aktor/politiko kay Pres.Trump.
“Binabati ko po ang incoming President ng Estados Unidos na si Donald Trump.
“Umaasa po ako na sa kanyang pamumuno sa Amerika, ay makikinabang ang ating Inang Bayan.
“Akin din pong pinupuri ang mapayapang proseso ng pagpili ng pinuno sa Estados Unidos.
“It is good to be a witness in this practice of real power: The power of the people, power of their vote, power to choose. The only time a common man is more powerful than the politician,” pahayag ng senador.
In another post ay inalala rin ni Binoe nang maging unang presidente si Trump ng US in 2016.
“8 taon na ang nakalilipas mula noong ikinampanya at nailuklok sa pagiging Pangulo ng Amerika si Ginoong Donald Trump.
“Ito po ang Naisulat ko noong Ika 13 ng nobyembre 2016,” sey ni Robin.
Noong 2020 ay muling tumakbo si Trump pero natalo ito na labis na ikinalungkot ni Robin.
“Noong 2020 elections hindi man personal na nakavote si Mariel sa Amerika at ako rin ay hindi na nakapagkampanya dahil sa shocked na ibinigay ng pandemic
“Hindi pinalad si Ginoong Donald Trump na manalo. Nabalot ako ng matinding kalungkutan sa pagkatalo ni Trump dahil naniniwala po ako talaga hanggang sa mga Oras na ito,” pahayag pa ng mister ni Marielle.
“Only Trump can save the world from War. Yun lang po,” sey pa niya.