BINI

BINI Maloi nagsalita na sa pagkaka-link kay Rico

February 2, 2025 Vinia Vivar 185 views

Nilinaw ng Nation’s Girl Group na BINI na wala silang kumpetisyon ng SB19 o kahit ng iba pang Pinoy pop group.

Sa guesting ng grupo sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Friday ay isa nga sa mga napag-usapan ay kung paano nila hinaha-handle ang comparison and competition with other P-pop groups.

Sey ni BINI Mikha, “We take the competition and we use that as motivation for us to do even better, but we don’t want to bring them down through that competition, you know.”

Dagdag pa niya suportado nila ang buong OPM at hangad nila ang patuloy na tagumpay ng ating musika.

“For the other groups or different artists, we really want to support them. We support OPM and we hope that OPM rises altogether, not just us,” ani Mikha.

Idiniin naman ni BINI Stacey na hindi nila kalaban ang SB19.

“Oh my gosh, the answer is no. Hindi po talaga namin sila nakikita as our kalaban ganu’n kasi ‘yung friendship po namin on and off-cam, sobrang genuine po. Talagang sine-celebrate po namin ‘yung pag-angat ng OPM together,” ani Stacey.

Samantala, nilinaw din ni BINI Maloi ang issue sa kanila ng singer na si Rico Blanco matapos silang mamataan na magkasama with some other musicians sa La Union kamakailan.

Nag-post kasi si Rico ng larawan sa kanyang bagong hotel kasama sina Maloi, Pat Lasaten ng Ben & Ben at Agnes Reoma, singer-songwriter Ischi, Over October’s Joshua Caleb Lua, Blaster Silonga, Zild Benitez at lifestyle photographer Shaira Luna.

Ayon kay Maloi ay first time niyang na-meet si Rico that time although may mutual friends naman sila.

“Hindi ko alam pa’no nangyari ‘yun. Siguro may videos ‘yung Blooms na in-upload sa X and then na-crop siya, screenshot na parang bad angle, so it just shows na parang nag-holding hands, in-upload sa Facebook, kumalat hanggang sa nagkaroon na ng mga headline,” sabi ni Maloi.

Kaagad naman niyang klinaro ang issue matapos niya itong makita online.

“Nu’ng nakita ko ‘yun, nag-tweet po agad ako na ‘Stop spreading fake news’ kasi ayoko na lumaki pa ‘yung gulo and gusto ko na linawin agad,” aniya.

AUTHOR PROFILE