BINI

BINI Aiah sa bashers: Ang sakit n’yo magsalita pero thank you pa rin

February 4, 2025 Ian F. Fariñas 209 views

HINDI napigilang maging emosyonal ng tinaguriang Nation’s Girl Group na BINI sa muli nilang pagpirma ng kontrata sa Kapamilya network kahapon.

Isa-isa ngang pinasalamatan nina Aiah, Colet, Gwen, Jhoanna, Maloi, Mikha, Sheena at Stacey ang ABS-CBN bosses at Blooms (BINI fandom) sa patuloy na pagmamahal at pagtitiwala sa “BINI Kapamilya Hanggang Dulo” contract signing na ginanap sa Dolphy Theater.

Present sa naturang okasyon ang Kapamilya executives na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN president/CEO Carlo Katigbak, COO of Broadcast Cory Vidanes at ABS-CBN head of TV Production at Star Magic head Lauren Dyogi.

Bukod sa mga ito, nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat si BINI Aiah sa bashers nila.

Aniya, totoong hindi madali na mapagitna sa lahat ng pamba-bash, hate at negativity. Inamin din niya na nasasaktan sila, pero imbes na ma-down, ginagamit nila itong motivation para mas lalo pang pagbutihin ang kanilang mga ginagawa.

“Thank you kasi that’s what motivates us to keep pushing, to be stronger and to really give out our all. And at least that’s something na we can turn to something great. And minsan man na nakaka-test talaga siya, super, and masakit siya, pero it also allows us to look at all the brighter things in life and the many things we could be grateful for.

“And thank you, kasi ’yun, sa mga bashers, ang sakit n’yo magsalita pero thank you pa rin. Pero, kayo kasi (sabay turo sa camera), baka ma-bash ako nito! Hahaha! Hindi, ayun, kasi because of it, parang mas lalo ako tuloy nagkaka-purpose kung bakit it’s always nice to be loving kasi ang daming hate, ang daming negativity, so parang you get to see all of it and it makes you have that purpose to keep doing good because people need that love, people need that kindness. And us being here, being walo, being complete as eight, it shows how strong we are together kasi ang daming… ang dami na ’yung pinagdaanan na hindi namin sinasabi, hindi namin pinapakita, maybe, siguro, minsan umaapaw na at nakikita. Pero mas marami pang hindi namin pinapakita na mas masakit pa but we are strong,” mahabang pahayag ni BINI Aiah.

Para pagaanin ang paligid, kumambyo siya’t nagbiro na, “And ang strong namin kasi nag-renew pa kami, eh! Hindi loko lang!” kaya naghiwayan ang mga nasa Dolphy Theater.

Seriously, patuloy niya, “We’re strong, we’re strong because we know we can do it and mas mai-strengthen pa namin ang bond namin sa isa’t isa, ‘yung skills namin and just in general with how we’re gonna be in the future. I also wanna thank our future selves kasi there’s gonna be more fun in the future, its gonna be exciting, there’s gonna be a lot of ups and downs, but at least, we are all complete and it’s either walo or wala.”

Samantala, maraming aabangan ang Blooms sa eight-girl group ngayong 2025. Two weeks from now, gaganapin ang much-awaited Philippine leg ng “BINIverse World Tour 2025.” Nakatakda itong idaos sa Philippine Arena sa February 15.

Bukod dito, may bago rin silang single na pinamagatang “Blink Twice” at ire-release ito dalawang araw bago ang “BINIverse World Tour.”

AUTHOR PROFILE