Mangjose

Bing at Manilyn, nilalait si Janno

November 11, 2021 Vinia Vivar 256 views

After 26 years, muling nagsama sa isang pelikula ang dating magka-loveteam na sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes via Mang Jose ng Viva Films. Ang huli pa kasi nilang pelikula together ay noong 1996.

Bukod pa rito, kasama rin sa movie ang asawa ni Janno na si Bing Loyzaga at first time nilang magsama-samang tatlo.

As we all know ay ex-girlfriend ni Janno si Manilyn bago napangasawa ng singer/actress na si Bing.

Ayon kay Janno sa digital mediacon ng Mang Jose last Wednesday, siya mismo ang nag-request na makasama sa movie sina Manilyn at Bing dahil hindi pa nga raw sila nagkakasama-samang tatlo.

Biro nga niya, baka nga first and last time na nila itong pagsasama-sama sa isang proyekto.

Nang matanong kung bakit, sagot niya, “Eh, kasi, ’pag magkasama ‘yung dalawa sa tent, si Bing saka si Manilyn, puro ako ang pinag-uusapan nila at nilalait nila, eh.”

Pero wala naman daw ilangan sa dalawang aktres at kumportable ang mga ito working with each other.

“We’re all good friends, kaming tatlo. And proof to that is pwede ko silang iwanan sa isang tent na magkasama. Hindi ko lang alam kung nag-aaway sila sa tent,” joke ni Janno.

Asked kung bakit inabot ng 26 years bago sila nagsama sa isang movie, ayon sa aktor, wala naman kasing materyal.

Although sa TV ay maraming beses na silang nagkaroon ng reunion project.

Sa Mang Jose, hindi raw sila magka-loveteam ni Manilyn dahil kontrabida ang role nito.

“Actually, I requested for Manilyn for this role. It’s a different role for her. Spoiler alert, siya po ang pinaka-main villain ni Mang Jose,” pagbabahagi ni Janno.

Kung paano naging cast si Bing, aniya, “Ako rin ang nag-request for Bing. I really wanted the three of us together kasi hindi pa nga nagagawa. And I think, it’s high time bago kami tumanda nang tuluyan, eh, magkasama-sama naman kami sa movie.”

Ang Mang Jose ay isang super hero movie kung saan ginagampanan ni Janno ang title role.

Pangalawang super hero movie na ito ng singer/aktor at matatandaang ang una ay ang Pedro Penduko na dalawang beses niyang ginampanan.

Highlight daw ng movie ang kanyang costume dahil agaw-eksena talaga.

Kasama rin sa Mang Jose sina Jerald Napoles at Mikoy Morales mula sa direksyon ni Rayn F. Brizuela.

Magkakaroon ng advance screening ang Mang Jose sa Nov. 17. Ang regular showing naman ay magsisimula sa Dec. 24 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE