Binatilyo patay sa stray bullet

February 9, 2022 Jonjon Reyes 145 views

ISANG 13-anyos na binatllyo ang namatay habang inoobserbahan sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center makaraang tamaan ng ligaw na bala, umaga ng Miyerkules, Pebrero 9, sa Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Noel Novela, ng GK Compound, Happy Land, Brgy. 105 Zone 9,Tondo.

Base sa ulat ni Det. Jero Santos ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 9:58 p.m. nang maganap ang insidente sa Mel Lopez Boulevard malapit sa Capulong St.,sakop ng Barangay 107 Zone 9.

Ayon sa testigo na isang scavenger, nangangalakal umano ito nang may pumutok na baril , kaya’t nagpulasan ang mga tao sa paligid. Tumambad ang binatilyo na naliligo sa sarilng dugo, kaya mabilis itong isinugod ng mga barangay tanod sa lugar. Dakong 12:30 ng madaling araw nang bawian ng buhay ang biktima na idineklara ni Dra.Rizza Sidson. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE