
Binatilyo nakitang dedo, may tanim bala sa bungo
MAY tama ng bala sa ulo at wala nang buhay nang matagpuan ang 15-anyos na binatilyo sa Santa Maria, Bulacan.
Batay sa ulat ng PNP, natagpuan ang bangkay ni Justin Cuyos sa Barangay Pulong Buhangin sa nasabing probinsya.
Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang biktima sa kanya na magtutungo at makikitulog sa kanyang tiyuhin sa karatig na barangay.
Napag-alaman na hindi tumuloy sa bahay ng tiyuhin ang biktima dahil gumala pa ito hanggang sa matagpuan ang bangkay nito.
Apela ng magulang ng biktima, kung sino man ang nakakita ng krimen ay tulungan sana sila upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang maaresto ang suspek.