Default Thumbnail

Binatang walang ka-VD nagbigti

February 15, 2022 Jonjon Reyes 315 views

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad kung may foul play sa malagim na sinapit ng isang 22-anyos na binata na nagbigti dahil bigo umano ito na magkaroon ng ka “Valentines” nitong Lunes sa loob ng kanilang bahay sa Malate, Manila.

Kinilala ni P/Lt. Col. Donelle Brannon, commander ng Manila Police Station 5 (MPS 5), kinilala ang biktima na si Lance Christian Grecia, binate, ng Vasquez St., Malate, Manila.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang 5:30 ng hapon, nang ireport ng isang Richard Crespo sa nakakasakop ng barangay ang nagbigting biktima.

Agad naman tinungo ni Bgy. 697 Chairman Garfil Andrei Lee ang lugar ng insidente bago ipinagbigay alam sa Manila Police District (MPD) Remedios Police Community Precinct na sakop ng MPS 5, dakong 8:15 na ng gabi.

Sinikap naman na maialis sa pagkakabigti ang biktima, upang subukang sagipin pero hindi na ito gumagalaw at nangingitim na rin ang mukha nito.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na sila sa tanggapan ng MPD Homicide Section para isailalim sa imbestigasyon at turnover. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE