Binata tumalon mula 4th floor, bumagsak sa foam

September 13, 2022 Melnie Ragasa-limena 218 views

NASAGIP sa kapahamakan ang isang 24-anyos na binata na sinasabing may sakit sa pag-iisip nang tumalon mula sa ikatlong palapag pero bumagsak ito sa displayed foam sa ground floor ng SM Mall Fairview sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Jeffrey Olitan Cresante, 24, binata, at residente ng Block 14 Lot 8 Section 15, Brgy., Muzon, SJDM, Bulacan.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Pasong Putik Proper Police Station (PS-16), bandang 3: 25 ng hapon (September 12), nang maganap ang insidente sa Center Mall Lower Ground Floor ng SM City Fairview sa Quirino Highway, Brgy., Greater Lagro, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Runald Ceniza ng PS-16, nasa ikatlong palapag ng gusali ang roving guard na si Denmark Hilaria Fernandez, nang makarinig ng malakas na sigawan mula sa mga taong namamasyal sa mall.

Nang kaniyang beripikahin kung bakit naghihiyawan ang mga tao ay nakita niya ang biktima na nasa ibabaw ng displayed foam sa ground floor.

Nalaman na lamang niya na tumalon pala mula sa ikatlong palapag ng mall ang biktima at masuwerteng bumagsak sa foam na agad dinala sa kanilang clinic.

Ayon kay Lou Ellen B. Araza, Mall nurse, masuwerte at nasalo ng foam ang biktima kaya wala itong tinamong mga sugat at pilay sa katawan at ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan.

Sa panayam naman sa kapatid na binata na si Merry Jane Olitan Cresante, may history ng Mental Problem (Anxiety/Deppression) ang biktima na dati nang dinala sa Mandaluyong Mental Hospital noong May 2020 at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa itong inoobserbahan.