Binata tinarakan dahil sa ‘cara y cruz’

May 16, 2022 Jonjon Reyes 103 views

NAGTAMO ng isang saksak sa likurang bahagi ng katawan at sa leeg ang inabot ng isang 24-anyos na binata, makaraang patraydor na pagsasaksakin dahil lamang sa sugal sa Tondo, Maynila, Lunes ng madaling araw.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 1:40 ng madaling araw nang pagsasaksakin ang biktima sa harap ng kanyang bahay.

Kapwang nagsusugal ng “cara y cruz” ang biktima at suspek at ilang tambay sa lugar sa tabi ng riles ng tren na nauwi sa pagtatalo ng biktimang si Jomar Bucao ng Daang Bakal St., sakop ng Bgy.163 Zone 14, Tondo at suspek na nakilala lamang sa pangalang “Joel”.

Minabuting umuwi na lang si Bucao ngunit inabangan na pala ng suspek sa harap ng kanyang bahay.

Dito na patraydor na sinaksak sa likurang bahagi ng katawan at sa leeg ang biktima, saka mabilis na tumakas papalayo ang suspek na si Joel.

Mabilis na naisugod sa Ospital ng Tondo at kalaunan ay inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Bucao.

Iniutos na ni P/Lt. Col. Domingo ang agarang pagdakip sa umeskapong suspek. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE