Default Thumbnail

Binata timbog sa ecstasy, MJ sa MPD dragnet ops

December 18, 2021 Francis Naguit 234 views

NABUKING ang isang 23 anyos na binata sa isang miyembro ng Manila Traffic Enforcement Unit, makaraang sitahin sa isang traffic violation at maamoy ang humalimuyak na marijuana, pero agad na pinasibad ang sasakyan sa panulukan ng Roxas Boulevard at Katigbak St., Ermita, Manila bandang 8:30 ng umaga.

Dahil dito agad na rumadyo si P/Cpl. Marphil Canlas sa kanyang mother unit, at nang magresponde ang kanyang mga kasamahan, mabilis nila itong ipinagbigay alam sa Manila Police District (MPD)-Station 5, Station 8 at sa Station 14, na kung saan mahaharang ito sa pagdaraanan ng suspek.

Ang suspek ay nakilalang si Onemiguel Tan y Villanueva, residente ng 437 Pacheco Ext., Tondo.

Lulan ng kanyang kulay asul na Honda Jass (AAW-4321), ang suspek ay nasabat sa panulukan ng Ayala Bridge at Solano St., Bgy. 646 sa San Miguel, Manila.

Sa imbestigasyon, isang miyembro ng Philippine Coast Guard na si LTSG Mike Jayson De Torres, lulan ng sasakyan habang binabaybay ang westbound lane sa Pascual Casal St., nang maplakahan ang sasakyan kaya hinarang niya ito at namataan ito nina P/EMS Ariel Cagata at Canlas, kapwa miyembro ng Manila Traffic Enforcement Unit. Dito na napigilan ang suspek.

Nadiskubre din na amoy alak ang suspek nang magrebisa ang mga awtoridad sa loob ng sasakyan. Nakarekober nang hinihinalang ecstacy at mga nasa plastic na sachet na pinatuyong dahon ng marijuana.

Bukod sa droga, nakitaan pa ng P80,500 cash si Tan.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya kung si Tan ay tulak umano ng droga.

Gayunman, iba’t ibang kaso ang haharapin ni Tan sa korte. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE