
Binata nalambat sa kasong gahasa
NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ang 24-anyos na binata dahil sa kasong rape noong Huwebes.
Nakilala ang suspek sa alyas Carl John ng Mandaluyong City.
Ayon sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr, hepe ng Station Investigation Division Management Branch, bandang 1:30 ng hapon naaresto ang binata.
Naaresto ang suspek sa arrest warrant na inisyu ni Hon Roy Gironella, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 43 ng Manila.