
Binata nakakulong na, inaresto pa ulit
INARESTO ang isang 22-anyos na binata ng mga operatiba ng MPD dahil umano sa kasong pagnanakaw sa Mariveles, Bataan, matapos silbihan ng arrest warrant sa loob ng Manila City Jail, nitong araw ng Martes.
Ang suspek ay nakilalang siJefferson Echon, 22, residente ng 453 Pagkakaisa St,.Barangay 107, Tondo.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., Manila Police District – Raxabago Police Station 1 commander, pasado 3 p.m. ng atasan nito ang kanyang mga tauhan na isilbi ang arrest warrant sa suspek sa pangunguna ni Police Captain Jeffrey Montero, hepe ng Station Warrant Section.
Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu laban sa suspek ni Judge Ma.Teresa Pagtalunan- Mauleon, ng Regional Trial Court, Branch 3- Family Court ng Mariveles City, Bataan para sa kasong theft.
Ang binata ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article ll ng Republic Act 9165.