Binata kinuyog, sinaksak sa Malabon

January 20, 2022 Edd Reyes 110 views

NASA kritikal na kondisyon ang 20-anyos na binata matapos kuyugin at pagsasaksakin ng limang kalalakihan, apat sa kanila ay pawang menor-de-edad, Miyerkules ng madaling araw sa Malabon City.

Nakaratay at inoobserbahan pa sa Tondo Medical Center ang sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Alexander Gebora, residente ng 140 Pinagsabugan St. Brgy. Longos habang naaresto naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 ang 16-anyos na teenager na itinago lamang sa alyas “Angelo” habang hinahanap pa sina Aaron Jerry Orlino, 19 ng Block 40 Arwana Alley Brgy. Longos at tatlo pang suspek na ang edad ay nasa pagitan ng 15 hanggang 17-taong gulang.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon Police Chief P/Col. Albert Barot, nakatayo at nag-uusap ang biktima at ang testigong si Jayson Bugarin, 20, sa Gumamela St., Brgy. Longos ng pagbabatuhin sila ng mga suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Nilapitan at kinompronta ng biktima ang mga suspek subalit pinagtulungan na siyang kuyugin at pagbubugbugin ng mga ito hanggang bumunot ng kanya-kanyang patalim at pinagsasaksak si Gebora.

AUTHOR PROFILE