MPD

Binata inindyan ng gf sa b-day, ‘nagbigti’

November 22, 2022 Jonjon Reyes 352 views

ISANG 23-anyos na binata ang hinihinalang nagbigti matapos hindi sumipot umano ang kanyang kasintahan sa birthdaty sa Sta.Ana , Manila, Lunes ng hatinggabi.

Ang binata ay taga-New Panaderos Street.

Batay sa ulat na isinumite kay Police Lt Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, pasado ala 1:25 a.m. nang madiskubreng patay na ang binata ng kanyang mga magulang.

Isang suicide note umano ng binata ang nakitang nakasabit sa dingding.

Bandang 11:33 p.m. ay nakitang nasa labas ng bahay ang biktima at hinihintay ang kanyang nobya.

Nang hindi dumating ang inaasahang bisita ay hinihinalang nagbigti ang binata gamit ang pulang nylon cord..

Ipinagbigay alam ang insidente sa tanggapan ni Police Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Sta Ana Police Station 6, Iniutos na ikordon ang lugar saka itinawag ang umano’y suicide sa Homicide Section para isailalim sa masusing imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE