
Binata huli sa attempted arson
TIMBOG ang isang binata sa mga parak ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 dahil sa kasong attempted arson sa panulukan ng España Boulevard at Moret St., Sampaloc, Maynila noong lunes.
Sa report ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Intel and Warrant Section kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, bandang alas-9:30 ng umaga nang maaresto ang binata.
Isang mapagkakatiwalaang impormante ang nag nguso sa suspek kaya natimbog sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Zenaida Daguna, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 19 ng Maynila.