Default Thumbnail

Binata hiniwalayan ng jowa, nagbigti

May 9, 2022 Jonjon Reyes 255 views

MALAKI ang hinala na dahil sa nobya ang nag-udyok sa isang 28-anyos binata na tapusin ang buhay makaraang matagpuang nakabitin ang leeg gamit ang kadena ng aso, nitong nakaraang Linggo ng hapon sa Punta Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Arvin Bautista, kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang 4:50 ng hapon nang madiskubre ng kapatid ng biktima ang pagpapakamatay ng binata.

Ayon sa salaysay nito, apasok sana siya sa kuwarto para kunin ang kanyang SIM card pero nagtaka siya kung bakit naka-lock ang pinto at nang silipin ay nakita nito na nakabigti ang kapatid gamit ang kadena ng aso.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak at puwersahang binuksan ang pintuan para maibaba ang biktima.

Lumitaw sa report ng pulisya, una na umanong nagtangkang kitilin ng biktima ang kanyang buhay pero naagapan siya ng mga kaanak.

AUTHOR PROFILE