Binata, 49, nagpasarap sa sarili sa harap ng dalaga, huli

October 4, 2022 Edd Reyes 126 views

HULI sa akto ng umano’y ginagawang pagpapasarap sa sarili sa harap ng dalagang kapitbahay ang 49-anyos na binata Linggo ng gabi sa Navotas City.

Arestado si Renato Gilbuena sa umano’y paggawa ng kahalayan habang nakatingin sa 24-anyos na dalagang kapitbahay kahit batid niyang paparating na ang mga nagrespondeng barangay tanod sa kanilang lugar sa Brgy. NBBS Proper.

Lumabas sa imbestigasyon ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na naglilinis sa loob ng kanilang bahay sa Catleya St. Brgy. NBBS-Proper ang dalagang itinago sa alyas Lica nang mapansin niya ang kapitbahay na nakatitig umano sa kanya habang hawak ang maselang bahagi ng katawan sa loob ng suot na short pants dakong alang-6 ng gabi.

Hindi muna pinansin ni Lica ang kapitbahay subalit nagulat siya ng makitang inilabas at nilaro-laro na ng lalaki ang maselang parte ng kanyang katawan kaya’t isinumbong na niya ito sa kanyang ina at pinsan.

Humingi naman ng tulong ang ina ng dalaga kina Barangay Tanod Daniel Lacerna at Edgar Ayalde na kaagad nagtungo sa bahay ng suspek at doon ay inabutan pa nila ang lalaki habang nilalaro pa rin ang maselang parte ng katawan na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Kasong paglabag sa R.A. 11313 o sexual harassment ang isasampa ng WCPD laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE