Carlo

BILLY, KINALIMUTAN NI COLEEN SA INTIMATE SCENES KAY CARLO

August 14, 2023 Ian F. Fariñas 151 views

PURING-PURI ni Coleen Garcia ang kaparehang si Carlo Aquino sa Viva One Original Series na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko na mapapanood via streaming simula August 21.

Ayon sa misis ni Billy Crawford, napaka-professional na katrabaho ni Carlo, maalaga at napaka-gentleman, lalo na sa intimate scenes nila bilang mag-partner na Allie at Benedict.

“The whole time I was so comfortable working with him. Wala akong… parang mga… wala akong parang mabigat na feeling, walang ilang, walang ano. ‘Yung mga ganu’n kasi minsan meron din, ‘di ba? Hahaha! Pero wala, wala po. Napakagaan po niyang katrabaho,” sey ni Coleen tungkol sa aktor.

Kumpara umano sa mga intimate scene na dati na niyang nagawa, itong sa kanila ni Carlo ay “a lot easier and comfortable.” Malaking tulong din daw ang blocking na ginawa ng direktor nilang si Carlo Catu para maging smooth ang bawat take.

Isa pa, inamin niyang nag-usap sila ni Billy at ang sabi nito kay Coleen ay okay lang na kalimutan niya si Billy sa mga ganu’ng eksena.

“I-block mo na… it’s okay ‘coz I understand,” bilin pa raw ng mister sa aktres.

Kasama nina Coleen at Carlo sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko sina Ryza Cenon, Rhen Escaño, Jerome Ponce, Kiko Estrada at marami pang iba.

Ang Viva One series ay base sa bestselling book ni Marcelo Santos III.

AUTHOR PROFILE