Billy

Billy. balik-kapuso sa ‘The Wall Philippines”

August 2, 2022 Ian F. Fariñas 317 views

BALIK-GMA-7 nga ang host na si Billy Crawford para pangunahan ang game show na The Wall Philippines sa bago nitong tahanan.

Isang co-production sa pagitan ng GMA-7 at Viva Entertainment, Inc., ang The Wall Philippines ay isang pachinko game na may twist.

Pwedeng manalo ng life-changing prizes worth millions of pesos sa part knowledge, part luck na laro kung saan kailangan lamang masagot ang trivia questions at maipasok ang bola sa high-value bins.

Ang The Wall Philippines ay created nina LeBron James, Maverick Carter at Andrew Glassman at dinistribute ng Banijay Rights Limited.

Mapapanood na ito sa Kapuso network simula ngayong Agosto.

AUTHOR PROFILE