Joey Sarte Salceda

Bill ni Salceda na maglilibre sa buwis sa bayad sa mga ‘poll watchers,’ OK na sa Kamara

August 5, 2021 People's Tonight 371 views

PASADO na sa ‘second reading’ ng `Kamara ang panukalang batas na naglalayong ilibre sa buwis and bayad sa mga kabilang sa mga ‘Élection Board of Inspectors’ (BEI) at iba pang mga nagsisilbi sa eleksyon, na karamihan mga guro.

Binalangkas at inihain ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng ‘House Ways and Means Committee, layunin ng House Bill 9652 na amyendahan ang ‘1997 National Internal Revenue Code’ at huwag nang isama sa taunang kita at buwisan pa ang mga bayad sa mga naglilingkod sa panahon ng halalan. .

Tinawag ni Salceda ang naturang mga ‘poll watchers’ na ”Democracy Frontliners” na nais niyang masiglang pakinabangan ang bayad sa kanila at kilalanin ang napakahalaga nilang paglilingkod tuwing may halalan, lalo na sa susunod na taon kung kailan manganganib pa sila sa pandemya.

Nais niyang maapruba agad panukalang HB 9652 para umabot ito sa 2020 eleksiyon.

Dahil nga sa mga panganib na susuunging ng mga ‘election workers’ at maliit lang ang bayad sa napakahalagang papel nilang gagampanan at maliit din naman ang sisingiling buwis sa kanila, ang panukalang ito ay hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalaan,” madiin niyang paliwanag.

Ayon sa mga datos ng Commission on Elections (Comelec), ang buwis na kinaltas sa kanila noong 2019 Pambansa at Lokal na Halalan ay umabot sa P56.8 million. “Hindi ito kalakihan at katumbas lamang marahil ito sa ibabayad dapat ng isang “big-time tax evader,” dagdag ni Salceda.

Ang pagbibigay ng karampatang bayad sa ating mga ‘poll workers’ ay mahalagang susi tungo sa malinis at patas na halalan sa 2022. Susuong sila sa mga panganib na dulot at banta ng COVID-19 kaya dapat ding bigyan sila ng kaukulang proteksiyon,” giit ng mambabatas.

Pinuna ni Salceda na dapat mabakunahan agad ang mga magsisilbing ‘poll watchers’ at bigyan ng karagdagang benepisyo kung sila’y mahawaan ng COVID-19 sa panahon ng halalan.

“Maaaring magkaroon tayo ng hawaan ng Covid-17 sa panahon ng eleksiyon, bagama’t umaasa akong magkakaroon na tayo ng ‘herd immunity’ bago sumapit iyon,” sabi niya.

“Ang mga ‘election workers’ ay mga ‘democracy frontliners’ natin. Bigyan natin sila ng karampatan at patas sa bayad sa kanilang serbisyo, at tiyakin nating ligtas sila” pahuling pahayag ni Salceda.

AUTHOR PROFILE