Biliran niyanig ng magnitude 4.4 lindol
NIYANIG ng lindol na may lakas na 4.4 ang Biliran noong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang ugat ng pagyanig at nangyari bandang 10:17 ng gabi.
Matatagpuan ang epicenter nito mga 7 kilometro sa timog-kanluran ng Kawayan, Biliran na may lalim na 12 kilometro.
Naitala ang Intensity IV sa Kawayan at Almeria, Biliran, intensity IV sa Kawayan, Biliran; Calubian, Leyte; intensity III sa Leyte at Ormoc City, Leyte; intensity I sa Alangalang, Kananga at Villaba, Leyte.
Walang inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs matapos ang lindol.